Kaninang umaga ng papasok sa trabaho, sumakay ako sa aking usual na train tapos sa may kanan ng inupuan ko katabi yung dalawang lalaki na siguro nasa late 20s or early 30s. Sa kasunod na stop merong sumakay ng pamilya na may kasamang 2 bata. Sa mas malayong kanan ko meron palang aleng buntis na nakatayo, nakakapit sa pole sa may tabi ng mga lalaki. So ngayon yung nanay at mga bata tumayo sa may harapan namin tapos medyo malakas yung boses ng nanay sabi nya sa mga anak nya, “honey hold on to the pole…yada yada yada.” So medyo nakonsensiya naman ako ibibigay ko sana yung seat ko dun sa batang babae na mukhang 7 years old. Pero iniisip ko pa lang bigla sumigaw ngayon yung aleng nanay kung wala daw bang magbibigay ng upuan dun sa buntis na babae tapos halata naman na pinapatamaan nya yung 2 lalaki sa kanan ko kasi talagang sama ng tingin nya wahahaha. Medyo nakonsensiya naman yung medyo maedad ng mama sa kaliwa ko at tatayo sana siya para ibigay ang upuan niya pero meron ng nagbigay sa aleng buntis na mas malapit dun sa pwesto nya. So okay na pero naggagalaiti pa rin yung aleng nanay at bumulong ng malakas na “Shitheads” habang deadma lang yung dalawang lalaki sa kanan ko at tinuloy lang ang kanilang kuwentuhan ng parang walang nangyayari. Tinuloy ko na lang yung binabasa ko, makakasurvive pa naman yung aleng nanay at kanyang mga anak ng 10 minutes pang pagtayo.
You can’t demand people to be nice to you. If they are, then good. If they ignore you, then leave them alone.

madalas may ganyan din sa MRT dito sa pinas, pero kung hindi buntis yun at hindi katandaaan yong babae hindi ko rin sya bibigyan ng upuan. bakit? syempre humuhingi ng equal rights ang mga kababaihan sa panahon ngayon, bakit hindi ko ibigay. may kaparatan ako sa upuan ko, nasa sa akin kung ibibigay ko yun o hindi.ang sa akin lang equal,fair, pantay. tapos!.
Tumpak hahaha. Yung mga babae gusto ng equal opportunities and treatment pero pag di naman tutulungan magbuhat, bibigyan ng upuan, bubuksan ng pinto, pauunahin sa daan etc etc magagalit din. We can’t have it both ways. Pero iba na din yung kailangan mo minsan ng tulong, magsabi ng maayos at wag pilitin kung hindi kaya.
hahaha…namimilit yung nanay..
hehe.. Tawagin ba namang shitheads ang mga tao sa train..
hehehehehhe..
nanay na ksi ..kung
sexy yun na babae malamang
may mag ooffer pa ng seat..
heheheh
Mass Transit Privileges…
I was on the bus today and at a stop, a woman at around her 50s climbed the bus. The bus isn’t full, just a loose. The woman didn’t walk all the way to the back, instead she stood in front of me, hoping to get a seat because there’s a…