Basta Makapag-blog

I hate Saturday nights. Bakit? Kasi parang tinetest ang self control ko. Pero ngayong gabi I’m putting my foot down and I’m not doing whatever it is that I’m thinking of doing. Sabi ko sa kanya, “Maging masungit ka na lang kasi sa akin para mas madali.” Syempre, tinawanan lang ako. Aisshhh. Stop stop stop.

Ito po ako at nagba-blog na lang at nagsesenti sa mga opm songs hehehe. Kelangan ko talaga mag-aral kasi may exam ako sa Lunes pero pahinga muna kasi galing lang sa biyahe. Alam ko na talaga dati na…

reading on the bus + empty stomach = hilo

…pero wala pa ring kadala-dala. Maya ulit ako review. Nagkakaroon na nga ako ng left-sided chest pains kakabasa ata tungkol sa heart. Sabi ko kanina sa dinner, “Magkaka-heart attack yata ako.” Tinawanan lang ako ng Papa ko. Parang lahat ng tao ngayon tinatawanan na lang ako. Ewan ko ba.

Simula ng pumasok ako sa nursing school nakaramdam na ako ng -
1. tingling sa paa, frequent urinations - kala ko may diabetes ako at nakakaranas na ako ng neuro- and nephropathy. Guilty ako kasi ang lala ng sweet tooth ko. Pero ngayon bihira na ako kumain ng chocolate. Promise.

2. nahihirapan ako lumunok - feeling ko may esophageal cancer ako, takot ako kasi mabilis daw mamatay.

3. iniisip ko nga kung may fracture ako sa shin kasi sumasakit minsan.

4. shortness of breath and palpitations - for various reasons, depende sa nangyayari, like anxiety, panic, nervousness, stress.

5. naisip ko nga na baka nastretch na masyado ang bituka ko kaya malaki ang tiyan ko (katakawan hehehe) kasi may napanuod ako sa TV about a museum ng weird medical stuff na may lalaki na may ganung condition. I don’t know if the previous sentence even makes sense.

6. Minsan isang gabi akala ko may scabies (aka galis) ako sa kaliwang kilay hehehe. Kasi sabi mas nararamdam siya sa gabi na parang gumagapang sa ilalim ng balat kasi nakaburrow sa ilalim ng balat yung mga scabies tapos sa gabi sila nangitngitlog. Pag kinakamot ko nawawala tapos bumabalik tapos ilang beses ako naghilamos ayaw pa rin umalis. Hanggang nakalimutan ko na lang siguro nawala na din.

Dahil pala sa scabies na yan may nalaman akong mga bagong word etymologies:

Nitpicking - To be concerned with or find fault with insignificant details.
Di ba yung anak ng mga lice ang tawag nits eh di kapag nagtatanggal ka ng mga lisa di ba attention to small details talaga yun hehehe. Thus the word nitpicking. Makes sense. This is according to wikipedia, if I remember correctly.

Cooties - body louse
Webster.com etymology: perhaps modification of Malay kutu (pwede din Tagalog kuto hehehe)

Bago ko po tapusin ang aking post na walang direksiyon, walang totoong topic, at wala sa ayos. Kanta muna tayo ng If You Asked Me To, MYMP version. Love the song. Galing ni Juris.

Gracey, I think na-post mo na to dati. Pagaya na lang :D


5 Comments
  1. shift na din kaya ako sa nursing? hehe nang ma-experience ko yang mga sinasabi mo ate n_n



  2. hehehe malakas lang talaga imagination ko kaya madaling maparanoid. pano yan mababawasan ang tech support group ni nono kung mag nursing ka :D



  3. Gusto ko nang mag bago ng career, pwede na nurse injection injection ka lang tapos na(joke), nakakaturta ng utak trabaho ko ngayon hehehehe :D



  4. Ay ang yabang! Nagiinjection lang daw!

    Ok na yun laging nai-exercise ang utak. Kunwari ka pa adik ka naman talaga sa trabaho mo :P hehehe



  5. okay lng miss lorie hehehe! Love ko yan song na yan…



Leave a Comment




Advertisement

Recent Comments

Advertisement
Music Corner

They Say...
The unexamined life is not worth living. - Socrates

I hear and I forget. I see and I remember. I do and I understand. - Confucius
Now Reading

Currently reading:

Planned Books:

Recent Books:

View full Library